SPICY ADOBONG CRICKETS & SUPERWORMS RECIPE (rakenrol!\m/ )
[You must be registered and logged in to see this image.]PARAAN NG PAGLULUTO NG MAANGHANG NA ADOBONG KULIGLIG AT MAGARANG-BULATE (rakenrol!\m/ )
tancha ng oras ng pagluluto:
di tiyak, tanchahan lang.. mga 8 minuto
mga sangkap:
1 tasang *burpinhart crickets
1 tasang *burpinhart superworms
1 kutsarang iodized na asin o rock salt
mantika (canola oil, corn oil, sunflower oil, peanut oil, coconut oil, vegetable oil, fruit oil, cooking oil, virgin cococnut oil, sesame oil, olive oil, mantikang pinagprituhan manok, kahit anung panlutong mantikang trip mo, pwede rin baby oil XD)
1 buong bawang
1 kurot ng betsin (optional)
siling labuyo (optional)
dahon ng sibuyas
glycerine
manghuli ng crickets o superworms sa inyong bakuran (’di tiyak kung san ito dumapo o kung anu mga nakain) o kumuha kay burpinhart ng burpinhart crickets at burpinhart superworms na pinakain ng mga masusustansyang pagkain na mayaman sa vitamins at minerals, mga sariwang gulay at prutas (’di pinapakain ng patay na isda tulad ng nasa ibang petshops XD)
hiwain ang sili/mga sili..
bahagyang hugasan ang crickets at superworms.. lagyan ito ng asin at sili, haluin..
pitpitin ang bawang..
hiwain ang dahon ng sibuyas
1.painiting mabuti ang kawali mainit na mainit mga 3 minuto.. kung walang kawali pwede rin ang kaldero, kaserola o takore wag lang latang arinola..
2.pagkaraan ng 3 minuto, o kung sa tingin mo mainit na mainit na, haplusin ang kawali.. pagdumikit ang balat sa kawali mainit na mainit na..
3.pwede na ilagay ang trip mong mantika..
4.gamitin ang glycerine, ipahid sa balat na napaso..
5.lagyan na ng mantika ang kawali.. painiting mabuti ang mantika,
6.pag-umuusok na ang mantika, pahinaan ng konti ang apoy..
7.lutuin ang pinitpit na bawang hanggang magkulay ginto, pwede ring hanggang magkulay uling kung trip mo ng mapait na luto..
8.i-deep fry ang burpinhart crickets at burpinhart superworms, wag takpan.. mainam pagpraktisan tulad ng pag-iwas sa matrix.. pagpumutok putok at tumitilamsik ang ibang laman, umilag-ilag..
9.o kaya naman kapag natalsikan sa mukha, braso o katawan, magagamit ulit ang glycerine, mabisang pang first-aid sa paso.. o kaya takpan para sa safe, ingat..
10.pagkaraan ng pagputok-putok o mga 2 minuto, patayin na ang apoy, patuluin ang mantika.. hanguin, ilagay sa platito, bandihado, mangkok, plato, paper plate, dahon ng saging o kung san mo trip.. pwede ring sapinan ng table napkin para masipsip ang sobrang mantika.. para sa mga hardcore na health conscious ipagulong gulong ang burpinhart crickets at superworms isa-isa sa napkin ng 10 beses.. lagyan ng dahon ng sibuyas..
dyaraan… exotic pulutan! maaari ring ulam, astig pangdare-dare, trip-trip, mararanasan mo na, matitikman ang dalawa sa mga paboritong feeders ng mga alaga natin.. rakenrol! \m/
Abangan ang iba pang mga burpinhart exotic recipes XD rakenrol! \m/